Kristine tumangging gumanap na Amor Powers, pinagbawalan ni Oyo

kristine hermosa

KINUMPIRMA ni award-winning director Olivia Lamasan na kinunsider nila ang mga dating bida ng phenomenal drama series noon na Pangako Sa ‘Yo na sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales para maging bahagi ng remake ng classic ABS-CBN series ngayong 2015.

May kumalat kasi na balita noon na muling gaganap para sa importanteng role si Kristine sa remake ng Pangako Sa ‘Yo. Pero hindi raw ito pinayagan ng kanyang mister na si Oyo Boy Sotto sa ilang personal na kadahilanan.

“Hindi, parang ang ganda lang kasi kung sila (Kristine and Jericho) ang gaganap na Amor at Eduardo. ‘Di ba parang ang ganda ng cast? But of course, hindi naman nag-materialize kasi ‘yun na nga, ewan ko kung na-offer ba kay Kristine to play Amor? Pero napag-isipan ‘yan.

We told them the idea,” esplika ni Direk Olive. Clueless naman daw si Direk Olive kung nakaabot kay Kristine ang offer na lumabas bilang Amor sa remake ng Pangako.

Nasa creative part lang daw siya ng proyekto. And of course, we all know now na si Jodi Sta. Maria na ang gaganap ngayon bilang Amor at si Ian Veneracion naman si Eduardo.

Marami rin ang na-excite noong nalaman na magbabalik si Direk Olive sa pagdidirek sa telebisyon. Iba syempre kapag may tatak Olive Lamasan, mapa-pelikula o sa TV.

“Wow! Ha-hahaha! Hindi naman, ano lang, I joined them for, parang ‘yung original Pagako, sa pilot episodes lang ako. Parang tinulungan ko sila, ano ba ‘yung timpla?”

Sa pilot at sa second week episode lang daw siya magdidirek ng Pangako Sa ‘Yo with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo bilang bagong Angelo at Yna. At least, mae-experience na ng Kathniel loveteam na maidirek ni Direk Olive na very choosy sa mga proyektong gusto niyang gawin.

“Hindi naman ako choosy. Pero syempre malapit na malapit sa puso ko ang Pangako dahil ako nga ang original creator niya. Tapos ngayon, nakasawsaw din ako sa creative team kung paano siya ikuwento sa modern times,” sabi niya.

Nagsimula ang idea na ibalik ang serye sa president ng ABS-CBN na si Charo Santos. “Parang ang sinasabi niya, ‘What’s the possibility of, we, doing a remake of Pangako? If you are to tell the story in present time, how would you do it?’ So, syempre, ako talaga, bumaligtad ang sikmura ko! Ha-hahaha.”

Ang hirap daw kasi at very iconic ang Pangako Sa ‘Yo. Kaya mahirap daw tapatan ‘yon. “Bakit mo naman isusuong ang sarili mo sa grabeng pressure. So, ‘yun ang initial mong reaksyon.

So, grabe ‘yung pressure. But at the same time, iniisip mo, ‘Oo nga, ‘no, paano mo nga kaya ikukuwento uli yun ngayon?”
Dugtong pa niya, “Parang kapag insip mo kung ano ba ang misyon natin bilang creators sa telebisyon? Ano ba ang purpose natin dito? It is really to provide entertainment to our audience.

And therefore, for this present generation, the new audience, ano ba ang maaari naming ibigay sa kanila, mai-share if not the iconic Pangako Sa ‘Yo which their parents, brothers or sisters, or aunts, enjoyed 15 years ago.

So, ‘yun. Parang we owe it to them para ipa-experience sa kanila kung ano naman ang na-enjoy ng generation noon.”
Magsisimula na ang Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa Lunes, May 25.

Read more...