14-anyos di maka-move on sa ex-bf

MANANG, ako po si Melody, 14, from Leyte. Gusto ko pong humingi ng advice. Naghiwalay po kasi kami ng first boyfriend ko. Matagal na, noon pang February. Ang problema ay hindi pa po ako nakaka-move on until now. Ano po ang gagawin ko?

My dear Melody, memorable talaga ang unang pag-ibig but realize na mas maraming makukulay at mas meaningful na relationship/s ang naghihintay para sa iyo sa mga darating pang panahon.
May I suggest for you to concentrate on knowing yourself and honing your talents?
Mas mag-focus sa mga bagay na makapagdedevelop sa iyong personality at pagkatao. Relationships will come and go but I hope hindi ito ang magdefine sa iyo. You have years ahead of you and I wish you use them wisely. Dream. Create goals and work to achieve them. Make your days count and when the time comes, may magmamahal sa iyo ng tama at mamahalin mo ng tama. Huwag mo nang pag-aksayahan ang bagay na tapos na. Close that chapter in your life and be excited for new things to come! 🙂

Ang payo ng tropa
Hi Melody. Naku, neng, pakurot nga sa singit mo. Ang bata-bata mo naman magka-BF, maglaro ka muna kaya ng Chinese garter or luksong baka, luksong tinik. Hehehe.
Alam mo, mas magandang mag-move-on ka na agad sa kung anuman ang pinagdadaanan mo ha.
Masakit talaga ang unang pag-ibig, hindi mo makakalimutan, sabi nga nila first love never dies.
Pero batang-bata ka pa naman at I’m sure mas marami pang darating na mas serious relastionships para sa iyo.
Kailangan mong gawin ngayon, enjoy mo lang ang iyong pagiging teenager, makipag-barkada ka, makipag-bonding sa mga mahal sa buhay, lalo na sa mga magulang mo, kasi mas masarap sa edad mo na sila ang kasa-kasama mo lagi.
Dahil para sa kanila ay ikaw pa rin ang kanilang baby kahit 14 ka na.
Crush, crush na lang muna para may kilig factor ka pa. Right?
Sana naman, neng, ay may natutuhan ka.
Ate Jenny

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...