Kris kay Bistek: Para klaro lang, hindi talaga kami naging lovers!

herbert bautista

TULOY pa rin pala si Kris Aquino sa pelikulang “Etiquette For A Mistress” pero hindi nito binanggit kung ano na ang magiging papel niya, ang tanging nasabi lang nito sa Aquino And Abunda Tonight, “Yes, I’m part of the project.”

Matatandaang unang inalok sa TV host-actress ang title role, pero bigla itong umurong dahil bawal daw sa kontrata niya ang gumanap na kabit sa teleserye o sa pelikula.

At sinabi niya na kung sakaling gusto pa rin siyang isama ni Direk Chito Roño sa nasabing proyekto ay siya na ang magiging legal wife. Klaro naman dahil nang magtanong kami sa mga taga-Star Cinema ay sinabi na minor role lang si Kris sa movie at siya nga ang gaganap na wife, “Wala naman kasing wife doon, puro mistress, bit roles and cameos lang ang wives. So most probably minor role lang si Kris o baka dadagdagan.

“Si Claudine (Barretto) ang magiging mistress,” pahayag sa amin. Nabanggit ni Kris na kasama rin pala sa “Etiquette For A Mistress” si Kim Chiu kaya’t tinanong namin kung anong papel ng wholesome actress, “Isang probinsiyana na bagong salta sa Maynila na magiging mistress,” mabilis na sabi sa amin.

Ibig sabihin, handa na si Kim na gumanap sa papel na kabit? Handa na rin ba ang supporters niya sa mga ganitong role?Sabagay, need na ni Kim mag-mature sa mga ginagampanan niyang papel sa pelikula o teleserye, hindi na puwede ang pa-cute-cute dahil nandiyan na sina Kathryn Bernardo, Nadine Ilustre, Julia Barretto, Sofia Andres at Liza Soberano.

Going back to Kris, kinlaro rin niya sa A&A na never silang naging lovers ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, “Para klaro lang, we were never lovers!”

Paano ‘yun bossing Ervin, hindi naging magkarelasyon sina Bistek at Kris, pero inalok siya ng kasal ng alkalde?

 

Read more...