Edgar Allan wagi sa YFSF bilang Vice Ganda; pero mas deserving si Nyoy bilang Katy Perry

edgar allan

Kahit hindi niya ka-face at ka-sound si Vice Ganda, si Edgar Allan Guzman pa rin ang nagwagi sa weekly showdown ng celebrity contestants ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN.

Kinanta ni Edgar ang “Kara Karaka” with matching signature dance moves ni Vice na pabuka-bukaka. In fairness, maganda naman ang performance ni EA, pero para sa amin, hindi pasado ang make-up transformation niya bilang si Vice na umupo ring guest judge sa YFSF nitong weekend.

Sabi nga ng TV host-comedian, “Nakakainsulto lang talaga kasi ang ganda-ganda mo. Walang bahid kasi ng kabayo ito. Bongga! Maraming salamat sa magandang performance mo.

Maraming salamat kasi hindi mo binaboy ang panggagaya mo sa akin. In fact, pinaganda mo nang todo hanggang lumayo na sa itsura ko!”

Ang sey naman ng huradong si Jed Madela, “Ang hirap mag-perform in front of ‘yung kinokopya mo nga ‘di ba? I’m sure some of our contestants can relate to that.

“But, of course, to copy such an iconic person such as Vice, it’s not easy. Pwede nating kopyahin ‘yung damit, ikaw spotless ‘yung pagkopya mo ng damit, the hair, pero ‘yun nga, vocally, meron.

Andu’n ‘yun eh. In totality, the entire performance, entertainment value, was really tops.” Ang sabi naman ni Sharon Cuneta, “EA’s going to get a very high score for me tonight.

To have that kind of devotion sa gagawin mo for one number, doon saludong saludo ako. For me it was a great performance.”
Nakadagdag din sa puntos ni EA ang pagboto sa kanya ng ilang kalabang celebrity contestants kaya siya ang naging winner last Sunday.

Ang kalahati ng P100,000 premyong tinanggap ng aktor ay mapupunta sa ilang pamilya ng mga nasawing SAF 44.
Anyway, para sa amin, mas deserving manalo si Nyoy Volante na gumaya kay Katy Perry.

Naaawa kami kami kay Nyoy dahil ilang beses na siyang naaagawan ng winning moment. Unfair talaga kung minsan ang boto ng judges, pati na rin ang boto ng mga celebrity contenders.

Read more...