Grace Poe naiipit kina P-Noy at Binay

grace poe

Ramdam na ramdam na natin ang simoy ng hanging-pulitika. Ilang buwan pa mula ngayon ang pagsusumite ng mahiwagang certificate of candidacy pero kumikilos na ang mga nangangarap tumakbo sa darating na halalan, kani-kanyang pabanguhan na sila ngayon, alam mo na agad kung sinu-sino ang mga kakandidato.

At habang nagpaparamdam na ang maraming pulitiko ay may isang personalidad naman mula sa kanilang hanay na napakasimple lang, walang anumang ipinapahayag, samantalang pinag-aagawan na siya ng mga partidong papagitna sa entablado ng kampanyahan.

Matunog ang ikot ng balita na si Senadora Grace Poe Llamanzares ang kinukuhang katambal ni Vice-President Jejomar Binay na tatakbo sa panguluhan, pero kailan lang ay kinausap na rin siya ni P-Noy, pangpangulong posisyon na kaya ang iniaalok nito sa kanya o siya ang magiging runningmate ng manok ng Liberal Party?

Napakaganda naman kasi ng imahe ni Senadora Grace Poe, kasimputi ‘yun ng paborito niyang kulay na damit, pinag-aagawan siya ng magkabilang partido dahil alam ng mga ito na ang pagiging number one niya nu’n sa senatorial race ay mauulit dahil sa malaking tiwala sa kanya ng sambayanang Pilipino.

Wala pang anumang ibinibigay na pahayag ang anak ng namayapang Hari Ng Aksiyon, pero ang dami-dami nang nagsusulong sa kanyang kandidatura, kung kailan niya tatanggapin ang matinding hamon na tumakbo sa panguluhan ay wala pang nakatitiyak kung kailan.

Read more...