Enrique-Liza fans magwawala kapag hindi nagkatuluyan sina Agnes at Xander sa FOREVERMORE

enrique gil

NAGTATALU-TALO ang fans nina Enrique Gil, Liza Soberano at Erich Gonzales kung ano ba talaga ang magiging ending ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na Forevermore.

May mga nagsasabi kasi na para maiba naman daw ang pagwawakas ng Forevermore ay huwag sanang magkatuluyan sa huli sina Agnes (Liza) at Xander (Enrique). Para pwede pa raw itong magkaroon ng book 2.

Meron naman kaming nabasang mga post sa social media na wala raw kuwenta ang ending kung sina Enrique at Erich ang magiging magdyowa sa dulo ng kuwento.

Isang linggo na lang ang tinututukang serye ng madlang pipol kaya siguradong hindi na bibitiw ang mga manonood hanggang sa finale episode sa Biyernes ng gabi.

Isa namang loyal fan nina Liza at Enrique ang nakiusap sa mga bossing ng Kapamilya network na sana’y huwag naman nilang sirain ang phenomenal loveteam ng istasyon para lang kay Erich Gonzales.

Napaka-unfair naman daw para sa kanilang loyal viewers na hindi magkatuluyan sa ending sina Agnes at Xander. Naku, tila may pagbabanta talaga sa mga supporters ng dalawang Kapamilya stars.

Kaya sana nga huwag biguin ng production ng Forevermore ang milyun-milyong manonood na tumutok sa kanilag programa.
Ang feeling naman namin, sina Liza at Enrique pa rin ang magkakatuluyan sa huli, sinadya lang ng direktor at scriptwriter na ipagpilitan si Erich para “galitin” ang viewers.

Pwede rin namang magkaroon ng dalawang ending ang serye at bahala na ang madlang pipol na pumili kung ano ang gusto nilang wakas.

Read more...