Ate Guy makakalaban si Meryl Streep sa 2015 Cannes Filmfest

nora aunor

HABANG nagsasaya kami sa 31st anniversary ng Music Box the other night, hayun ang nanay nating si Superstar Nora Aunor sa ere dahil lumipad ito for Paris, France para dumalo sa Cannes Film Festival.

Isa sa mga entry sa isang category ang pelikula niyang “Dementia” and someone whispered to me na makakatunggali raw ni Mama Guy ang premyadong Hollywood actress na si Meryl Streep.

“Naku, malabong matalo natin si Meryl. Isa iyan sa pinakahinahangaan kong Hollywood actress. Makita ko lang siya in person ay isa nang malaking karangalan sa akin.

Hindi ako umaasang manalo – ang sa akin lang ay ayokong palagpasin ang pagkakataong ito – ang mapasali sa Cannes,” ani Mama Guy na ever since ay walang kasing-humble.

Recently ay nanalo si Mama Guy for Best Actress in a Foreign Language Film para pa rin sa “Dementia” sa France St. Tropez International Film Festival. The said film also won Best Picture sa same category – sa Foreign Film din.

Bongga, di ba? Dagdag-trophy na naman iyan for Mama Guy and the Philippines. It’s an additional achievement na naman for our country.

Sayang nga at hindi namin nakasama si Mama Guy sa anniversary ng Music Box, kami lang ng dati niyang business manager na si Kuya Boy Palma ang magka-table with our baby Michael Pangilinan na nagpaunlak ng ilang awitin for the very warm crowd.

Ang saya namin sa MB – sayang nga lang at hindi namin nakasama si Mama Guy dahil kung nandito lang siya, tiyak na ka-join namin siya sa event.

Good luck, Mama Guy. Meron akong feeling na magwawagi ang nanay natin. Kakaiba kasi talaga ang husay niya – tumatagos sa mga ugat natin ang kahusayan niya. Agree?

By the way, sa pagkakaalam ko, may tinatapos na namang agong indie movie si Mama Guy at isa na naman daw itong magandang panlaban sa mga international filmfest around the globe.

 

Read more...