Yaman ni PNoy tumaas ng P1.821M matapos makapagtala ng kabuuang P68.3M

pnoy1
TUMAAS ang networth ni Pangulong Aquino ng P1.821 milyon noong 2014 matapos siyang makapagtala ng kabuuang P68,311,644 kumpara sa P66.49 milyon noong 2013.

Sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) noong 2014, umabot ng P32,669,827 ang kabuuang real properties ni Aquino, samantalang umabot naman ng P35,641,817 ang personal properties ng pangulo.

Kabilang sa mga pag-aaring ni Aquino ay isang residential lot sa Tarlac City, ang house and lot sa Quezon City, isang commercial lot sa San Juan City, isang agricultural lot sa Tarlac, isang agricultural lot sa Capas, Tarlac at isang residential lot sa Antipolo.

Samantala, ayon pa sa SALN ni Aquino, siya ay may P3 milyong halaga na sasakyan at P30.1 milyong cash on hand at in banks.

Wala namang itinalang liabilities si Aquino.

Read more...