Stallone: Hindi kasama si Pacquiao sa ‘Expendables 4′

Stallone-Schwarzenegger-pacquiao
SINABI ni Hollywood action star Sylvester Stallone na hindi mapapanood si Pambansang Kamao Manny Pacquiao kasama ang mga kilalang action star sa Hollywood.
Sa isang panayam ng TMZ Sports, sinabi ni Stallone na hindi kabilang si Pacquiao sa “Expendables,” sa pagsasabing hindi naman siya talaga kinonsidera para rito.
“No, Pacquiao was never going to be in it. He’s a great fighter,” sabi ni Stallone.
Nagbiro pa ang aktor sa pagsasabing:“You got to stick to us broken down actors.”

Tinanong din si Stallone kung mapapabilang si Pacquiao sakaling nanalo sa kanilang laban ni Floyd Mayweather Jr.

“Of course. Yeah, he was going to teach us all how to box,” sagot ni Stallone.

Nauna nang kumalat na inaalok si Pacquiao na maging bahagi ng pelikula matapos naman siyang bisitahin ni Stallone sa Wild Card Gym sa Los Angeles ilang linggo bago ang laban.
Binisita rin siya nina Stallone at Arnold Schwarzenegger sa kanyang locker room bago ang kanyang laban kay Chris Algieri noong Nobyembre.

“We haven’t agreed on anything yet. Let’s talk about it after the fight,” sabi ni Pacquiao matapos ang pagbisita ng dalawa.
Kasama sa mga bida sa Expendables sina Schwarzenegger, Harrison Ford, Mel Gibson, Antonio Banderas, Wesley Snipes, Jet Li, Kelsey Grammer at UFC champion Ronda Rousey in the cast.
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Expendables 4 ngayong 2016.

Read more...