Dahil kay RUFFA, PAPARAZZI nawala ang tapang?

Napanood namin ang Paparazzi kahapon at parang nakulangan kami sa kanilang episode.

Dahil naging kontrobersyal nga ang “Bulong ng Palad” segment nila last week ay tinanggal na ito kaya naging dry ang show.

Bukod dito ay tinanggal din ang segment ng mga invited reporter na Paparazzabog kung saan magbibigay sila ng mga blind item at pagbobotohan ito ng studio audience kung like o unlike.

Napansin din naming stiff ang mga hosts ng show, tulad ni Zoren Legaspi na umamin naman dahil nga buong Pilipinas daw ay nanonood sa kanila, si Gelli de Belen na humalili kay Mariel Rodriguez ay medyo pigil din ang reactions, si Dolly Ann Carvajal as usual, listener at pangiti-ngiti lang, si Rep. Lucy Torres-Gomez na parating safe ang mga sagot at bukod tanging si Nay Cristy Fermin lang ang bumabangka sa kanila.

Sa biglang pagbabagong ito ng Paparazzi ay parang tinatanggap nilang sila nga ang may kasalanan sa biglaang pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa programa.

Read more...