Ate Guy waging best actress sa Saint Tropez Int’l filmfest sa France

nora aunor

Wagi ang Superstar na si Nora Aunor bilang best lead actress in a foreign language film sa katatapos lang na Saint Tropez International Film Festival sa France na ginanap kahapon.

Nanalo si Ate Guy para sa pelikulang “Dementia” na siya ring nanalo bilang best foreign language film. Ito ang kinumpirma ng direktor ng pelikula na si Perci Intalan na nag-post agad sa kanyang Instagram account sa bagong karangalang kanilang natanggap.

Isang larawan ang ipinost ni direk Perci sa kanyang IG kung saan hawak niya ang natanggap na tropeo, nilagyan pa niya ito ng caption na: “Thank you #StTropezIFF!!! Congratulations Team Dementia and Ms. Nora Aunor!!! And THANK YOU GOD FOR THESE WONDERFUL BLESSINGS! #DementiaMovie #MabuhayAngPelikulangPilipino!”

Kasama rin ni Ate Guy sa nasabing pelikula si Jasmine Curtis, produced by The IdeaFirst Company at Octobertrain Films.

Read more...