Daniel: Matagal na kaming magkaibigan ni James Reid, walang away!

james reid

HILING ni Daniel Padilla huwag na silang pag-awayin at gawan ng kung anu-anong intriga ni James Reid. Wala raw isyu sa kanila ng ka-loveteam ni Nadine Lustre at lalong hindi sila nag-aaway.

Ayon kay Daniel, ibang tao lang naman ang gumagawa ng kuwento tungkol sa kanila ni James, pero sa totoo lang daw matagal na silang magkaibigan ng tisoy na young actor.

Sa presscon kamakailan ng seryeng Pangako Sa ‘Yo ay natanong si DJ kung may ilangan ba sa pagitan nila ni James dahil sa pang-iintriga sa kanila.

“Wala, wala. Wala namang kailangan na ika-awkward. Kapwa natin artista yun, e. Bakit natin ikaaano? Kaibigan natin lahat ng artista. Magkaibigan kami ni James, talaga, oo naman.

Yung talagang dati pa lang, hindi pa kami ano, magkaibigan na kami,” depensa ng rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo. Samantala, looking forward na si Daniel sa mga gagawin nilang eksena ni Kathryn sa remake ng Pangako Sa ‘Yo bilang sina Yna at Angelo, pati na rin ng mga senior stars na makakasama nila sa serye, tulad nina Jodi Sta. Maria (bilang Amor Powers), Ian Veneracion (bilang Eduardo Buenavista) at Angelica Panganiban (bilang Claudia Buenavista, na gaganap bilang nanay ni DJ).

Hindi pa niya nakakasama sa taping sina Jodi at Angelica, “Pero feeling ko magiging masaya ito dahil siyempre si Tito Ian nakasama ko na siya sa Got To Believe.

Si Ate Angelica, e talaga namang rock and roll din yun, so makulit yung set na.” Natanong naman si DJ tungkol sa biglang pagganda ng katawan niya, diet lang daw ang ginawa niya dahil wala na siyang oras para mag-gym, “Wala namang masyado, kung ano lang yung normal ko

“Kasi sumobra talaga ako, hindi naging normal yung kain ko nung nasa Amerika ako, talagang hobby ko yung pagkain dun, e. Pero ngayon kung anong normal ko, so ‘eto,” sabi pa ng binata.

Samantala, natanong naman si Kathryn kung totoong magdyowa na sila ni Daniel, ito lang ang naisagot ng dalaga, “Okey lang, chill lang kami.”

Marami kasi sa mga followers nila social media ang nagsasabi na matagal na silang magkarelasyon, sa katunayan, may mga fans sila na nagsasabing lagi silang nagkikitang sweet na sweet with matching holdings hands pa.

Sagot naman ni Kath, “Baka noong concert ni Katy Perry, kasi kasama namin ang best friend ko. Tapos, kaibigan na rin ni DJ yung boyfriend niya. Palagi kaming magkasama. Barkada kami.”

Read more...