100 pamilya apektado sa panibagong sunog sa Valenzuela

sunog

UMABOT ng 100 pamilya ang apektado sa panibagong sunog sa Valenzuela City noong Sabado ng hatinggabi.Sinabi ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nangyari ang sunog sa Pinagpala st., Lower Tamaraw, Marulas, Valenzuela City.

Umabot sa ika-5 alarma ang sunog na nangyari ganap alas-11:09 ng gabi kamakalawa. Naapula naman ang sunog ganap na alas-12:07 ng umaga kahapon.

Ganap na alas-2 ng umaga, sinabi ni  Mayor Rex Gatchalian sa opisyal Facebook account ng Valenzuela City, na tinatayang 45 pamilya ang inilikas sa  Serrano Elementary School.

Wala namang nasaktan sa sunog.Nangyari ang panibagong sunog ilang araw matapos naman ang malagim na sunog na tumupok sa pagbrika ng tsinelas sa Barangay Ugong, Valenzuela City,  na pag-aari ng  Kentex Manufacturing, kung saan tinatayang 72 mga empleyado ang namatay.

Read more...