KUNG noon pa ma’y nalaman ng mga nagbigay ng relief goods, karamihan ay nagmula sa kanilang sariling bulsa, na marami palang mga pasaway, matitigas ang ulo at pilosopong evacuees, kasama na rito ang mga adik, hindi na sana sila nagbigay, o nagkusang magtungo sa mga repacking centers para isupot ang mga iaabot sa mga biktima ng bagyo. Kalunus-lunos ang sinapit ng principal ng Malanday Elementary school sa pagbukas ng klase kahapon. Ayaw umalis ng mga evacueer sa mga classroom kahit wala nang baha at mataas na ang sikat ng araw. Pakli ng evacuees, wala na silang uuwian dahil nasira ng baha at hindi naman daw nila gustong sumilong sa paaralan at doon lamang sila dinala ng rescuers. At ang rescuers pa raw ang dapat magbalik sa kanila–sa bagong resettlement area.Pinintahan ng mga simbolo ng frat ang mga classroom ng mga bakwit na adik, sinira ang mga nakapaskil sa dingding na gamit-aralin, at ginawang banig ang mga teaching aids.Karapat-dapat bang tulungan ang pasaway?
BANDERA Editorial, 100609