Kathryn bawal makipag-love scene kay Daniel, pero pwede ang halikan

daniel padilla

AWKWARD ang feeling ni Daniel Padilla kapag sinasabi sa kanya na siya na ang number one male star sa Pilipinas ngayon. At dahil siya ang number one, number one din ang loveteam nila ni Kathryn Bernardo.

“Nakakahiya nga, e. Syempre, awkward. E, kung kayo ang sabihan na napakaganda ninyo, number one ka, nakakahiya bigla, ‘di ba,” natatawang sabi ni Daniel after ng question and answer portion sa press launch ng reunion soap nila ni Kathryn na Pangako Sa ‘Yo na mapapanood na sa susunod na Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Pinagpistahan naman ng netizens ang pagta-topless ni Daniel sa trailer ng bago nilang series dahilan para maging trending sa social media.“Tuwang-tuwa ako nagustuhan nila ‘yung maganda kong katawan.

Hindi loko lang! Ha-hahaha! Salamat, salamat sa lahat ng nakapanood ng trailer,” sabi ni Daniel. Pero hindi naman daw niya ipinasok sa isip niya na marami ang nagnanasa sa katawang-lupa niya.

Knows naman ng lahat na sumikat nang todo ang tambalan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na unang gumanap bilang Yna at Angelo sa Pangako Sa ‘Yo. Kaya tinanong namin si Daniel kung nabanggit ba niya kay Echo ang tungkol sa remake ng serye.

“Oo naman. Isang beses, (pero) hindi naman siya naging conversation kasi sobrang bait na tao ni Jericho talaga.” Binati raw siya ni Echo sa pag-accept ng role niya dati bilang si Angelo, “Sabi niya, ‘Congratulations.

Galingan mo.’ Sabi ko, ‘Sir, maraming salamat. Syempre, ikaw ang nagsimula niyan,” sagot naman daw ni Daniel. Hoping naman si Daniel na magampanan niya ng mahusay ang role niya sa Pangako bilang kilalang mahusay na aktor si Echo sa industriya ngayon, “Ah, sana, sana, I’ll do my best na gumanda.

At kung anuman ang kalabasan ‘yon ako. ‘Yun ang kaya ko (gawin).” Nakakailang taping days pa lang daw sila ni Kathryn sa Pangako. At wala pa naman daw sinasabi sa kanila kung may kissing scene sila ni Kathryn sa serye.

“Abangan na lang natin,” ngiti ni Daniel. Hindi naman niya masabi kung excited ba siya sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni Kathryn sa dahil hindi pa niya alam kung meron nga.

Ang tiniyak sa amin ni Daniel, e, wala raw silang love scene ni Kathryn. Ayon sa road manager ng Teen Queen na nasa likod lang habang kausap namin si Daniel, bawal daw ang love scene kay Kathryn.

So, love scene lang ang bawal, kissing scene pwede?  I’m sure, may kinalaman ang pagbabawal na ‘yan for her to do a love scene sa kinaaaniban niyang religious group na Iglesia ni Cristo.

At hindi lang din dahil sa relihiyon, tingin namin malabo talagang magka-love scene ang dalawa dahil mga bata ang audience ng KathNiel, e. Saka hindi rin uubra sa TV ang love scene.

So, alam na, ha!

Read more...