Mark Neumann walang arte, mapagbigay sa mga bading

mark neuman

Araw-araw kaming may rasyon ng pandesal sa radyo. Hindi pa kami nagsisimula ay nandu’n na agad ang isang malaking supot ng pandesal mula sa Baker King.

Masarap ang tinapay, alam mong gawa ‘yun ng puso, mararamdaman mo na minasa, iniluto at ihinain ang pandesal na mula sa puso ng gumawa ang prosesong pinagdaanan nu’n.

Nag-workshop si Mark Neumann para sa napakalaking oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya ng TV5 para magbida sa unang Filipino adaptation ng Baker King, ang Korean telenovelang sinuportahan nu’n sa iba-ibang bansa, si Mark ang bumibida sa serye ng TV5 na magsisimula na sa May 18.

Napakaguwapo niyang panadero. At mabait na panadero si Mark, kaya sabi ng mga becki na talaga namang kinikilig sa kanya, “Kung ganyan naman kaguwapo at kabait ang panadero, e, siguradong hindi na kami bibili ng tinapay sa kahit saan.

“Nakita na namin siya minsan sa mall, walang kaangasan ang bagets, wala siyang angal sa mga nagkakagulo at nagpapa-picture sa kanya.

“Ganu’n ang artista, marunong magpasaya ng mga fans, hindi nagsusuplado. Kung walang mga fans, wala ring mangyayari sa kanila, kaya kailangang maging nice sila sa mga taong sumusuporta sa career nila,” nangangaral pang kuwento ng kaibigan naming becki.

Kaya sa Lunes nang gabi, May 18, samahan po natin si Mark Neumann sa Baker King ng TV5. Kaguwapong panadero!

Read more...