Maris, Manolo bawal pang maging magdyowa

manolo maris

SUMILIP ako sa presscon ng “Stars Versus Me”, ang latest movie ng kaibigan naming director/author na si Joven Tan that stars new and cute young teenagers Maris Racal and chinky-eyed Manolo Pedrosa sa Semicon sa Marcos Hi-way.

Nandoon din that time ang ilang stars ng movie like Jenine Desiderio, Rita Avila and Kiray Celis. May nakita rin akong ilang manghuhula around the area na busy sa pagbasa ng future ng mga press friends natin at ilan pang bisitang dumalo.

Nakakatuwa ang movie na ito na hango sa best-selling book ni Joven Tan with the same title na nabibili pa rin sa National Bookstores. Hindi ba naman at karamihan sa atin ay napakahilig magbasa ng horoscope lalo pag paalis na tayo ng bahay.

Sa mga newspapers kasi – mapa-tabloid or broadsheet ay may horoscope page at tayo naman, umaasa minsan na kung ano ang nakalagay sa horoscope natin ay siyang mangyayari that day.

Minsan nga ay nauuto pa tayo sa lotto numbers dahil there are horoscopes na nagbibigay ng tips for lotto. Ha-hahaha! “Marami naman po talaga sa atin ang nagbabasa ng horoscope sa umaga.

Yung iba nga po, ginagawa na nilang guide ‘yun sa pagharap sa panibagong araw. Sobrang nakakaaliw po yung movie, alam kong may character do’n na makaka-relate ang audience,” kuwento ni Maris.

“I am really comfortable working with Maris. Sa PBB pa lang, nag-jive na agad yung ugali namin. I’m happy na pinagkatiwalaan kami ni Direk Joven to do this kilig film about horoscope fanatics,” anang singkit na si Manolo.

Kahit matagal ding nagsama sa shooting sina Maris at Manolo, wala namang tsismis na naging magkarelasyon sila. “Pareho pa po kaming bata. Tsaka, ako po, no girlfriend since birth (NGSB) at hindi pa ako marunong manligaw.

Pero I must say na mas malalim na po yung friendship naming dalawa ngayon,” dagdag ni Manolo. Parehong napapanood sina Maris at Manolo sa seryeng Oh My G! sa ABS-CBN.

Hindi man si Maris ang partner doon ni Manolo (he’s being paired with Janella Salvador) ay buo naman ang suporta ng Janella-Manolo fans sa “Stars Versus Me. Showing na ito sa June 3 in theaters nationwide.

Si Maris din ang umawit ng theme song ng movie entitled “Tanong MO Sa Bituin” na kasama sa “OPM Fresh” album under Star Music. Ang music video nito ay isa sa pinaka-most requested sa MYX Channel.
Kasama rin sa film sina Matet de Leon and Dennis Padilla with the very special participation of Ejay Falcon.

Read more...