Mga lihim nina Barbie at Thea ibubuking ni Regine

regine velasquez

KUNG isa ka sa mga magulang na di masyadong maka-relate sa mga anak mo, lalo na sa teenage girls, siguraduhin mong mapapanood mo ang Sarap Diva ngayong Sabado ng umaga sa GMA 7.

Ang dalawang bida ng The Half Sisters, ceasefire muna sa awayan para i-share ang ilan sa kanilang mga “secrets” sa mga kaedad nila, pati na ang mga bagong bagay na kinahuhumalingan nila.

At siyempre, sino pa ba ang magbubuking sa kanila kundi ang machikang Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid! Tulad na lang ng isang bagong kinababaliwan ng mga artistic kids ngayon: ang Do-It-Yourself Toy Workshop na pinuntahan ng Sarap Diva.

Dito, matututo ang mga anak ninyo kung paano bigyan ng mas personal na touch ang kanilang mga paboritong laruan. Ang Kapuso young actress naman na si Sabrina Mann ang sasama sa inyo sa pagbisita sa bagong kinagigiliwan ngayon ng mga may sweet tooth: ang “Made In Candy”!

Ipapakita niya kung paano ba gumawa ng candy by yourself, at kung paano mo maipe-personalize pa ang candy na may pangalan mo sa loob!

Ilan lang ‘yan sa mga eksenang magpapasaya at magpapasarap sa Sabado ng umaga ninyo! Kaya tumutok na sa GMA 7 para huwag mong ma-miss ang Sarap Diva.

Read more...