GOOD day Manang,
Ako po si Ganggang. Isa po ako sa mga sumusubaybay sa inyong payo. May problema po ako, naging tatlo ang BF ko. Hindi maiiwasan na matukso sa mga lalaki sila po kasi ang lumalapit sa akin kahit iwasan ko sila. In short, manang, pare-pareho ko silang mahal.
Ang problema ko po kasi baka bawat isa sa kanila malamana na sabay-sabay ko silang minahal. Mahal ko naman talaga sila manang. What should I do? Sana mapayuhan mo po ako.
Ganggang
Salamat sa pagsubaybay pero Ganggang, kaloka ka! Ikaw na ang ma-ganda.
Ang iba, problema nila kung paano magkanobyo o nobya, ikaw ang problema mo ay tatlo-tatlo ang BF mo? Excuse me, natapakan ko ‘ata ang long, long hair mo ‘day.
Okay, so let’s face the problem at hand, sabi mo ay mahal mo silang tatlo at ayaw mong malaman nila na tatlo sila sa buhay mo?
‘What should you do?’ ang tanong mo? Ang masasabi ko d’yan Gang-gang, preno muna. Baka kailangan mo itanong sa sarili mo, bakit tatlo silang mahal mo? Sa ti-ngin ko yan talaga ang problema.
Ang pagiging ‘polygamous’ o mayroong iba’t-ibang partner ay makakapuno sa mga ‘sexual desires’ ng isang tao ngunit hindi nito mapupunan o masa-satisfy ang pangagailangan upang maging well-settled, safe and happy ang iyong life.
You know what, Gang, ang iyong Manang ay nasa isang long-term, monogamous relationship at I can say na very happy at fulfilling ito.
Sure ako na marami ring makaka-relate na kapwa mo Bandera reader dito.
Marami ring benefits ang pagiging ‘monogamous’ o ang pagiging faithful sa isang partner o mamahalin.
Una na rito ay mas makikilala mo ang tao nang mabuti dahil naka-focus ka sa kanya at ganun din s’ya sa’yo. Mas malalim, mas maalab at mas pinagpapala ang relasyon kapag faithful kayo sa isa’t-isa.
Para sa akin, quality over quantity. Pangalawa, mas safe ito para sa iyo at sa iyong partner. Of course, I mean sexually safe. My dear, huwag kalimutan na very rampant ang mga sexually-transmitted diseases (STDs) so kapag mas marami kang partner ay mas mataas ang risk mo sa mga sakit. Kalurkey, ‘di ba?
Ikatlo, mas marami kang magi-gain sa isang ‘monogamous’ relationship. Isa na dito ang pinaka-importante — peace of mind.
Ang ‘affair’ kung i-isipin mo ay parang ‘lots of fun’ pero when you think about it, ang mga emosyon at ‘games’ na involved dito ay tunay na nakaka-stress.
Ang sex ay nagla-last ng one hour (kung suwewertihin!) ngunit ang kaakibat na emotional baggage ay halos dala-dala mo pati sa pagtulog gaya ng guilt, shame, worry, etc.
Good luck Gang-gang, sana ay pag-isipan mo ang mga sinabi ko. Hanggang sa muli! Ciao.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.