AKO po si Cynthia Canalita Reyno, birthday ay May 13,1952 at nakatira sa 11 La Naval st. Remmanville Subd. Brgy. Don Bosco Better Living, Parañaque.
Nagsimula na ako mag pension ngayon lamang taon sa tulong na rin ng inyong column na Aksyon Line. Ngayon nabalitaan ko ang tungkol sa adjustment. Gusto ko lang sanang itanong kung covered ako ng adjusment sa mga hindi napasamang contribution mula 1985 hanggang 1989?
REPLY: Lumalabas sa aming record sa data base sa SSS na wala nang adjustment na maibibigay kay Gng. Reyno dahil naka post naman ang kanyang mga contribution noong taong 1985 hanggang 1989.
Nagsimula siyang magpension kaya’t asahan na ang buwanang pension na makukuha.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan Gng Reyno
Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.