Sunshine ‘suspek’ sa pagkalat ng balita tungkol sa buntis na girlfriend ni Cesar

SUNSHINE CRUZ, SANDRA AT CESAR MONTANO

SUNSHINE CRUZ, SANDRA SEIFERT AT CESAR MONTANO

SAGLIT kaming nagkatsikahan ni Sunshine Cruz sa labas ng dressing room niya after her guesting sa Aquino & Abunda Tonight. Binati muna namin si Shine sa sobramg kaseksihan niya ngayon na animo’y dalagang-dalaga pa.

Mas humanga pa kami sa batang hitsura ni Shine noong magbihis na siya from a career woman look to casual outfit niya na black Hello Kitty long sleeves at maong shorts.

Grabe, halos kasing edad na lang ni Sunshine sa hitsura ang tatlong dalaginding na mga anak nila ni Cesar Montano, huh!

Napagbibintangan na nga raw na kapatid lang siya ng mga anak niya kapag lumalabas sila. Madalas mamasyal si Shine kapag walang taping kasama ang tres marias niya dahil sinasamantala nila habang bakasyon pa.

Hindi na nga kami magtataka kung sa paglabas-labas ng mag-iina ay may mga nakakapansin ng beauty ni Shine.

Wala naman palang problema sa mga anak niya kung magkaroon na siya ng manliligaw. Ang mga anak pa nga raw niya ang nagsasabi kay Shine na ma-in love na ulit magkaroon ng sarili niyang lovelife.

Malamang pa niyan sa paglabas-labas nila, ang mga anak pa ni Shine ang nagti-tease sa kanya kapag may napapalingon si beauty ng kanilang ina.

Syempre happy si Shine kasi hindi pa man niya naiisip magkaroon ng bagong karelasyon, e, nauna pa ang mga anak niya na magbigay sa kanya ng go signal to accept a new man in her life.

Tsika pa raw ng panganay na anak ng aktres, okey lang din sa kanila if mas bata kay Shine ang maging boyfried niya dahil she looks young pa rin naman daw. O, ‘di ba, mga kunsintidor ang mga anak ni Shine? Ha-hahaha!

Pero unfair naman ang tsikang kumakalat na si Shine ang naglalabas ng pics and infos tungkol kay Cesar at sa bago niyang karelasyon diumano na former Miss Earth na si Sandra Seifert.

May lumutang na isang source na nagkumpirma na true faw na buntis si Sandra at magkasama sila ni Cesar sa US. May kumalat pa ngang mga litrato na kasama raw ni Sandra ang kapatid ni Cesar sa ibang bansa na kuha sa bahay mismo ng aktor sa Italy.

May tsismis naman na naghahanap na raw ng bahay sina Cesar at Sandra sa Los Angeles para doon muna manirahan.
Pero sabay din daw babalik ng Pinas ang dalawa sa May 17 dahil meron pa silang kailangang asikasuhin dito. For sure, aabangan na sila ng media sa airport para linawin ang lahat ng issue about them.

Read more...