Team Kia pinadapa ng Ginebra, natalo nang biglang umapir sa PBA si Pacman

MANNY PACQUIAONapakaganda ng laban ng Ginebra at KIA sa PBA nu’ng Miyerkules nang gabi. Hindi naglalayo ang kanilang score, dikitan ang salpukan, maraming nagkokomento na malaki ang tsansa ngayon ng KIA sa kampeonato.

Biglang dumating sa Cuneta Astrodome ang Pambansang Kamao na ulo pa lang ang nakikita ng audience ay talaga namang ipinagbunyi na. Mahal na mahal ng mga Pinoy si Pacman, sa puso ng ating mga kababayan ay siya ang nagwagi sa nakaraan nilang upakan ni Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas, ang pangalan ni Congressman Manny Pacquiao ang maririnig na isinisigaw habang naglalaban ang KIA at Barangay Ginebra.

Pero mukhang hindi nakaganda para sa KIA ang pagdating ng kanilang playing coach, nawalan ng focus ang mga players, nakadidikit pa rin sila sa busluan pero naiwanan sila ng Ginebra na nasa kundisyon nu’ng gabing ‘yun.

Ayon kay Pacman ay mas mapapadalas ngayon ang pagsuporta niya sa kanyang team, wala kasi siyang masyadong gagawin, magpapagaling lang siya ng kanyang kanang balikat na kaoopera lang sa Amerika.

Tungkol naman sa pagkatalo ng kanyang team sa Ginebra ay isa lang ang malumanay na komento ng Pambansang Kamao,

“Kinulang sila ng coordination sa isa’t isa.”

Na totoo namang nangyari.

Read more...