Half-mast ng mga watawat ipinag-utos sa araw ng libing ng nasawing PH ambassador

Lacenario

Lacenario


IPINAG-UTOS kahapon ng Malakanyang ang paglalagay sa half-mast ng mga watawat sa araw ng libing ni Ambassador Domingo D. Lucenario, Jr. sa Sabado matapos bumagsak ang sinasakyang chopper sa Pakistan.

Ipinalabas ni Executive Secretary Paquito Ochoa,Jr. ang Proclamation No. 1020 kung saan inatasan nito ang lahat ng tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), kasama ang mga foreign service post at mga opisina ng regional consular na ilagay sa half-mast ang mga bandila sa Mayo 16 bilang pagkilala sa paglilingkod ni Lucenario sa bansa.
Nasawi si Lucenario sa isang helicopter crash sa Pakistan noong Mayo 8.(Myca Fernandez)

Read more...