Tatlo ang maghahati-hati sa jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga maghahati-hati sa P17.8 milyong jackpot prize ay tumaya sa Pasig City, Malate Manila at Davao City.
Ang tatlo ang nakakuha sa mga lumabas na numerong 8-27-12-24-21-17. Nagkakahalaga ng P14.9 milyon ang itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P9,930 ang 75 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P240 naman ang 28,605 mananaya na nakatatlong numero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending