MGA tanga lang o yung hindi nakatuntong sa paaralan ang boboto kay Vice President Jojo Binay sa pagka-Pangulo sa 2016 election matapos nilang malaman na na-freeze ng gobyerno ang P600 milyon bank accounts ni Jojo.
Napatotohanan na ang mga alegasyon tungkol sa mga Binay—sina Jojo, bilang mayor noon ng Makati, ang kanyang asawa na si Elenita, na dati ring mayor ng Makati, ang kanilang anak na sina incumbent Mayor Junjun, Senator Nancy at Congresswoman Abigail—ay ginamit ang kanilang puwesto upang magkamal ng malaking kayamanan.
Ipinag-utos ng Court of Appeals na i-freeze o huwag ipagalaw ang mga bank accounts ng mga Binay dahil sa request ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Makikita na ngayon ng publiko ang mga pera ng mga Binay na nakadeposito sa 242 na mga bangko. Ang mga ito’y public records na matapos itong maibunyag ng mga peryodiko at TV network.
Kahit na pagsama-samahin ang mga sweldo ng mga Binay bilang public officials ay hindi nila kikitain ang P600 milyon.
Inuulit ko, tanga lang o yung mga no-read, no-write ang boboto kay Jojo Binay sa pagka-presidente, at kay Junjun for reelection sa pagka-mayor at kay Abigail na tatakbong muli bilang congresswoman ng Makati!
Actually, ang P600 mil-yon na bank deposits ay wala pa sa kalahati ng mga ninakaw ng mga Binay.
Hindi nabilang ang mga separate bank accounts nina Elenita, Junjun, Nancy at Abigail at ang kanilang mga ari-arian—gaya ng malawak na hacienda sa Batangas, ang mga napakaraming units sa mga high-rise condominiums at mga iba pang real estate property holdings na nagkakahalaga ng P16 bil-yon, sabi ng AMLC.
Isang kaibigan ng mga Binay ang nakapagsabi sa akin—of course, itatago ko ang kanyang pangalan—na kalahati raw ng Makati ay pag-aari na ng mga Binay.
That’s greed, unmitigated greed, in plain and simple language.
Kahit na ang mga Marcos, noong hindi pa presidente si Ferdinand, ay hindi nagkamal ng ganoong halaga.
Mahirap isipin kung anong klaseng panga-ngamkam ng kaban ng bayan ang gagawin ni Binay at ng kanyang mga anak at kaibigan kapag siya’y naging pangulo ng bansa.
Di raw aatras ang kanyang ama na si Jojo sa pagtakbo sa 2016, ani Sen. Nancy Binay.
Sinabi ni Nancy Binay kay Sen. Antonio Trillanes na pinagdadasal marahil ni Trillanes na aatras ang kanyang ama.
“Lord, please, huwag nang tumakbo si Vice (President Binay)para may pag-asa ako,” ang sabi ni Nancy na iniisip ni Trillanes.
Susmaryosep, Nancy! huwag kang pakasisiguro na mananalo ang iyong ama.
Maaaring mataas ang i-yong ama sa mga surveys, pero ngayong nailabas na ang kasakiman ninyong mag-anak sa pera, magiging kulelat na siya sa eleksiyon.
Ang mga bank deposits ni dating Makati City Vice Mayor Nestor Mercado, ang nagbunyag ng katiwalian sa pera ng kanyang amo na si Jojo Binay, ay kasama sa nai-freeze.
Si Mercado ang nagsabi sa Senate blue ribbon sub-committee na kung kumita siya sa pangungurakot sa Makati City Hall , di mas lalo si dating Mayor Jojo Binay.
Tinawagan ng inyong lingkod si Mercado kahapon at kinuha ko ang kanyang reaksyon.
Sinabi niya na willing siyang isauli ang mga perang nakurakot niya noong siya’y nasa puwesto pa.
Magagawa kaya yan ng mga Binay?
Ang Davao City ay 9th safest city in the world, ayon sa mga datos na kinalap ng Numbeo.com.
Sinundan ng Davao City ang Osaka, Japan; Munich, Germany; Stavanger, Norway; Singapore City, Singapore; Bursa, Turkey; Heidelberg, Germany; Seoul, South Korea; at Bergen, Norway, in that order, na tinuturing na safest cities in the world.
Kung tumakbo si Davao City Mayor Rody Duterte at manalo, ang Pilipinas ay magiging isa sa mga safest destinations in the world para sa mga turista.
At ang pangungulimbat sa kaban ng bayan—na gaya ng ginagawa sa Makati —ay mawawala na, kapag si Duterte ang naging pangulo.