Maja: Hindi lang naman lalaki ang nagpapaligaya sa akin, ‘no!

maja salvador

TALAGANG kahit anong pilit kay Maja Salvador ay ayaw pa rin nitong ibandera kung ano ba talaga ang naging rason ng paghihiwalay nila ni Gerald Anderson.

Iwas na iwas si Maja sa isyu ng break-up nila ni Gerald nang makorner ng ilang members ng entertainment press sa isang event. Maayos naman itong nakiusap na huwag na siyang piliting magsalita about her ex-boyfriend.

“Maging masaya lang tayo, yun lang ‘yon. Hindi na sa idetalye ko pa ‘yon. Basta makita niyo ako na masaya, yun ang pinakaimportante,” chika ni Maja na nakatakda uling humarap sa media ngayong araw para naman sa launching ng kanyang second album, na ironically titled “In Love”.

Nang matanong naman kung handa na ba siyang pumasok muli sa isang seryosong relasyon after nilang maghiwalay ni Gerald, ito ang naging tugon ng Kapamilya singer-actress, “Hindi naman lalaki lang ang nag-i-inspire sa akin, e.”

“Siguro kaya niyo nakikita na – sinabi niyo nga, blooming ako, maganda ako ngayon – kasi mas maraming bagay na pinipili ko na, alam niyo ‘yun, positive lang.

Maraming blessing na dumarating, so doon ako nagpo-focus,” paliwanag pa ni Maja. Isa rin sa naitanong kay Maja ang tungkol sa tsismis na si Janice de Belen ang ipinalit sa kanya ni Gerald, na gumanap ding nanay niya sa seryeng Ina Kapatid Anak, “Ay, nanay ko naman ‘yun.

Kung meron man akong dapat sagutin, iyon ‘yun. Let’s respect her na lang po. I love her so much.”

Read more...