Pauleen pinagalitan ni Bossing nang tanggapin ang Tomboyserye ng GMA

pauleen luna

PINAGBAWALAN na pala ni Vic Sotto ang girlfriend na si Pauleen Luna na tumanggap ng kahit anong mabibigat ng proyekto, partikular na ang mga teleserye.

Ayon mismo kay Pauleen nang makachikahan namin sa kamakailan sa presscon ng GMA Telebabad series na The Rich Man’s Daughter, inamin niyang “pinagalitan” siya ni Bossing nang malaman nitong gagawa na naman siya ng soap opera.

Alam daw kasi ni Vic na kapag meron siyang serye ay sobra siyang napapagod at nagkakasakit, “Noong malaman nga ni Vic na may teleserye ulit ako, siya ang unang nag-react kung bakit ko tinanggap.

“Noon pa niya sinasabi na huwag na akong magpakapagod sa teleserye dahil hindi ko naman daw kailangan pang gawin iyon. “Siyempre sinabi ko na kailangan ko ‘yon, sayang din yung project, ‘di ba? Kung si Vic ay hindi niya kailangan ang mga ganitong shows, e, ako, kailangan ko ito.

“I guess concerned lang siya sa health ko kaya gano’n siya. Sinabi ko naman na maaalagaan ko naman ang sarili ko at happiness ko itong umaarte ako sa TV. Naiintindihan naman ni Vic ‘yon,” chika pa ni Poleng.

Nagpapasalamat nga raw siya sa buong production ng The Rich Man’s Daughter dahil pinayagan siyang magkaroon ng cut off time, hanggang 3 a.m. lang siya pwedeng mag-taping dahil nga meron pa siyang Eat Bulaga everyday.

Huling napanood si Pauleen sa afternoon series ng GMA na The Borrowed Wife, “Matagal din akong hindi nakagawa sa primetime ng GMA, parati akong nasa afternoon teleserye.

The last primetime series I did was Dwarfina pa in 2011. “Tapos puro na mga afternoon teleserye ang mga nagawa ko at matagal din akong nagpahinga sa paggawa ng teleserye.

“Almost a year na since natapos yung The Borrowed Wife, kasi sobra akong nagkasakit noon. Ilang beses akong naospital dahil sobra akong na-stress.

“From doing Eat Bulaga, diretso ako sa taping noon, inaabot na kami ng umaga sa set. Hindi na ako uuwi kasi diretso na ako sa Broadway para sa Eat Bulaga.

“Doon ako nagkasakit nang bonggang-bongga kaya after matapos ng The Borrowed Wife, nagpahinga muna ako. Ngayon, okey na ulit dahil may cut-off time na ako.

Ni-request ko hanggang 3 a.m. lang ako kasi nga may daily show pa ako. Nagpapasalamat naman ako sa production na pumayag naman sila.

“Siguro nga ayaw nilang magkasakit ulit ako, kaya ayun, okey naman sa kanila ang cut-off time ko,” paliwanag ni Pauleen.
Inamin naman ng TV host-actress na naiinggit siya sa mga role nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro sa The Rich Man’s Daughter bilang lesbian lovers, pati na rin sa mga makulay na karakter nina Katrina Halili at Chynna Ortaleza.

“Sa totoo lang, nainggit ako sa kanilang apat! Ang ganda kasi ng mga roles nila. Sabi ko nga na sana binigyan ako ng ganyang role. For a change naman, ‘di ba?

“Hindi pa kasi ako gumaganap bilang tibo. Kung sana in-offer sa akin ang lesbian role, I will accept it agad-agad! Gusto ko naman na maiba ang roles ko. Gusto kong ma-challenge ako.

“Feeling ko kasi paulit-ulit na lang ang mga ginagawa ko sa mga teleserye. Kung hindi ako yung misis, ako yung inaagawan ng asawa or ako yung nang-aagaw,” diretso pang pahayag ng GF ni Bossing.

 

Read more...