Napunit na balikat ni Pacman 6 na buwan gagamutin sa Pinas; balik-Kongreso na

manny pacman

Nasa bansa na si Pacman. Pagkatapos ng kanyang operasyon sa Amerika ay nagpaalam agad ang Pambansang Kamao sa kanyang mga doktor na dito na siya magpapagaling ng kanyang kanang balikat.

Pero mukhang mas mahal ang kinauwian nu’n dahil minsan sa isang buwan ay kailangang magpunta sa Pilipinas ang kanyang doktor para obserbahan kung nasa maayos na sitwasyon na ang torn ligaments sa kanyang right shoulder na naging dahilan kung bakit hindi siya nakaparehas ng laban kay Floyd Mayweather, Jr..

Si Pacman ang gagastos sa lahat-lahat ng biyahe ng kanyang doktor sa loob nang anim na buwan. Mahal, pero ligtas naman siya sa kanyang dinaramdam, kahit sampung doktor pa nga siguro ang tumingin sa Pambansang Kamao ay kayang-kaya niya namang panagutan ang lahat ng gastusin.

Tumuloy agad ang pamilya ng People’s Champion sa GenSan, kailangan na raw kasi silang mag-asawa ng kanilang mga constituent, tuwing may laban ang Pambansang Kamao sa ibang bansa ay bakante muna ang silya ng kanilang kongresista at vice-governor dahil nakabantay rin sa kanya si Jinkee.

Sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Mayweather ay isang mainit na pagwelkam pa rin ang ibinigay ng kanyang mga nasasakupan kay Pacman.

Walang pagbabago ang pagmamahal nila sa Pambansang Kamao na maraming beses nang nagbigay ng karangalan para sa ating bayan.

Welkam back, Manny Pacquiao!

Read more...