PUMUNTA kami last Saturday sa Activity Center ng Trinoma sa Q.C. para silipin ang inihandang event ng Belo Medical Group in celebration of their 25th year in the business.
Di kinaya ng dating malamig na venue ang dami ng tao sa loob kaya dama mo talaga ang sobrang init. Napakaraming tao sa venue, hindi mahulugang-karayom kumbaga.
Paanong hindi mapupuno ng tao ang lugar eh, ang lalaki ng stars na nag-perform sa event. Sa host pa lang nila panalo na. Sinamahan ni Cristalle Henares ang super-guwapo at napakagaling na host na si Robi Domingo who, in fairness, ay sobrang sikat na bagets talaga.
Heartthrob na heartthrob talaga ang dating ni baby Robi. At lalo nang nagkagulo ang audience nu’ng isa-isa nang ipinakilala ang apat na naglalakihang endorsers ng Belo – sina Anne Curtis, Marian Rivera, Daniel Padilla and Vice Ganda.
Kaniya-kaniya sila ng drama sa stage – production number kung production number talaga yung kina Anne and Marian. At lalo na yung kay Vice Ganda na sobrang spectacular ang ginawang performance in full costume.
Pero nu’ng lumabas na si Daniel Padilla – oh no! Dumagundong ang lugar dahil sa padyakan at palakpakan ng mga tao, halos hindi na kami magkarinigan sa loob ng Trinoma sa sobrang dami ng tagahanga ni Daniel.
Ibang klase ang init nang pagtanggap nila kay Daniel, SUPERSTAR talaga ang bata. At ang guwapo-guwapo niya that day. Bagets na bagets na napaka-yummy!
Hindi na siya ganoon kapayatot, nagkalaman na si DJ kaya mukha na siyang delicious. At dahil sa sobrang lakas ng dagundong sa entrada ni Daniel, ilang beses nawalan ng sound ang microphones.
Siyempre, happy ang kaibigan nating si Dra. Vicki Belo dahil super-successful ang event nila. With those names as their performers, parang talo pa ang Araneta shows, in fairness.
Ang nakakatawa talaga ay itong si Anne Curtis na kumanta ng mga birit songs.Nakakatawa ang pagkanta niya dahil there are some notes in the songs na lihis talaga sa tono.
Pero cute ang naging dating dahil idinaan niya sa projection and confidence. Ha-hahaha! Alam niyo naman ako, I am very musical. Ayoko kasi talaga ng non-singers who pretend to be good onstage.
Si Anne lang ang tanggap kong non-singer na feeling-super singer. Nakakatuwa kasi siya, di ba? “Nu’ng birthday ko, kumanta ako kaya lang paos ako that time pero ngayon, perfect ang voice ko.
Narinig niyo naman, di ba?” aniya na talagang buong-buo ang loob. Lalo akong natawa dahil perfect nga ang speaking voice niya pero talagang wala siya sa tono kapag kumanta na. That made her soooo cute.
Kung pinakamalakas ang sigawan at padyakan ng audience kay Daniel, pinakamahina naman ang palakpak kay Marian Rivera na expected na naman ng lahat. But in fairness to her, kahit buntis na siya ay nakuha pa rin niyang sumayaw.
Ang galing din ng ibang performers who did so well sa show. Nandoon ang Club Mwah performers na nagbigay ng Broadway look sa kanilang production numbers.
Nakakaloka rin ang husay ng mga magicians and other dancers sa stage. Ganda ng kabuuan ng production. Talagang ginastusan at pinaghandaan.
Congrats sa 25th year ng Belo Medical Group. Nag-speech si Dra. Vicki Belo sa last part ng event with all the stars onstage except Marian who had to leave right away.
Nakakuha kami tuloy ng mga kakaibang jokes sa slogan ng Belo – “Only Belo touches my skin. Who touches yours?” Sabay-sabay sumagot ang mga baklita referring to the men. Ha-hahaha! “BELO!” Kuha niyo? Mga baliw, di ba?