HUWAG na tayong umasa na mapapanood natin si Isabelle Daza one of these days sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.
Hanggang ngayon pala ay matigas ang paninindigan ng TV host-actress-model na hindi siya aapir sa Showtime bilang guest hurado o kahit guest performer man lang.
Marami ang humanga kay Isabelle nang sabihin niya na nirerespeto pa rin niya ang pinanggalingan niyang noontime show sa GMA, ang Eat Bulaga kung saan naging co-host siya sa loob ng ilang taon.
At inaamin ni Belle na pamilya pa rin ang turing niya sa mga dabarkads sa Eat Bulaga.Sa huling interview namin sa bagong Kapamilya actress, sinabi nitong delicadeza ang pinaiiral niya, “I think, I don’t feel the need na mag-guest ngayon sa It’s Showtime.
Of course, alam naman ng lahat na I’m from Eat Bulaga. I just also want to give respect to them, lalo na kina Bossing Vic (Sotto).”
Kung hanggang kailan siya “bawal” mag-guest sa noontime show ng ABS-CBN ay hindi pa masasabi ni Isabelle, “I don’t know, until I feel that it’s time na siguro. Pero now, it’s delicadeza.
I don’t wanna be in Showtime when my Eat Bulaga family means so much to me, and they will be for a long time and alam nila ‘yun, I think. It’s mutual respect.”
Samantala, unti-unti na ring kinaiinisan ngayon ng madlang pipol ang karakter ni Isabelle sa Primetime Bida series na Nathaniel starring Marco Masa, ang bagong kinagigiliwang child star sa telebisyon, Gerald Anderson and Shaina Magdayao with the number one kontrabida ngayon sa telebisyon na si Ms. Coney Reyes.
Si Isabelle kasi ang magiging hadlang sa posibleng pagbabalikan ng mga karakter nina Gerald at Shaina sa serye. Siya rin ang kakampi ni Coney Reyes sa paghahasik ng kasamaan sa Nathaniel kaya asahan nang mas titindi pa ang galit ng viewers kay Isabelle.
In fairness, maganda rin ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pagbabalik ng dating Kapamilya star na si Hero Angeles. Isang amang nangungulila sa kanyang anak ang role ni Hero.
Siya kasi ang sinisisi ng pamilya ng nanay ng kanyang anak dahil sa pagkamatay nito. This week, asahan pa ang mga nakaka-inspire at mga makabagbag-damdaming eksena ni Nathaniel at kung paano niya maipagpapatuloy ang kanyang misyon para maibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos.
Ito’y sa direksiyon Darnel Joy Villaflor at Francis Xavier Pasion mula pa rin sa Dreamscape Entertainment TV at napapanood pagkatapos ng TV Patrol.