Nagutuman kumonti; 3M pamilya na lang

Social Weather Stations

Social Weather Stations


Bumaba ang bilang ng mga nagutuman sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Naitala ito sa 13.5 porsyento (3 milyong pamilya) na siyang pinakamababa sa nakaraang 10 taon.
Sa mga nagutuman 11.1 porsyento ang nagsabi na naranasan nila ito ng minsan lamang o mga ilang beses at 2.4 porsyento ang nagsabi na madalas o palagi ito.
Ang naturang bilang ay mas mababa sa 13.7 porsyento (3.8 milyong pamilya) na naitala sa survey noong Disyembre.
Pinakamarami ang nagutuman sa Mindanao (14.3 porsyento), sinundan ng Luzon maliban sa Metro Manila (14.3 porsyento) at National Capital Region (12.7 porsyento) at pinakakonti sa Visayas (11 porsyento).
Ang survey ay ginawa mula Marso 20-23 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Read more...