Luis pakakasalan si Angel bago ang 2016 elections

By Ervin Santiago May 12,2015
share this

Luis pakakasalan si Angel bago ang 2016 elections

By Ervin Santiago May 12,2015
share this

luis manzano

PINAKILIG ng magdyowang Luis Manzano at Angel Locsin ang kanilang mga kaibigan at mga tagasuporta noong Linggo sa ASAP 20.Nag-celebrate kasi ng kanyang birthday si Luis sa nasabing Sunday musical show ng ABS-CBN kung saan sinorpresa nga siya ni Angel.

Naki-join ang Kapamilya actress sa segment na “Karaoke Challenge” na talagang ikinatuwa ng audience sa loob ng studio. Noong April 21 pa ang 34th birthday ni Luis pero last Sunday nga lang siya nagkaroon ng chance para i-celebrate ito sa ASAP.

Dito naitanong kay Luis kung kailan ba sila talaga magpapakasal ni Angel. Balita kasing malapit na siyang mag-propose sa dalaga. “Siyempre gusto ko surprise sa kanya, pero it’s gonna be happening very, very soon,” ang naging tugon ng TV host-comedian.

Hindi na nag-elaborate pa ang anak ni Gov. Vilma Santos pero base sa mga reaksiyon na nakuha namin mula sa ilang netizens na nakapanood sa birthday celebration ni Luis, posibleng late this year o early next year na ang kasal na dalawa.

Ito naman ang naging birthday message ni Angel sa kanyang boyfriend, “Ito kasing si Luis, akala kasi ng tao lagi lang siyang nagdyu-joke, lagi lang siyang hindi seryoso.

“Pero ‘pag nakausap mo kasi siya nang malalim, lumalabas talaga yung goodness sa heart niya,” sey ng aktres. “Ang wish ko lang talaga sa kanya, e, sana mas magamit pa niya itong ginagawa niya, tutal dito siya maligaya, sa mga tao.

Sana mas marami pa siyang matulungan. “At saka sana marami pa siyang mapasayang mga tao at sana mahalin mo pa rin ako kahit anong mangyari,” chika pa ng aktres.

Ang mabilis namang tugon ni Luis, “forever” daw niyang mamahalin ang kanyang girlfriend. May nag-comment naman na sa naging statement ni Angel, mukhang itutuloy na nga ni Luis ang pagtakbo sa darating na 2016 elections dahil puro pagtulong sa kapwa ang laman ng mensahe nito para sa kanyang dyowa.

Marami rin ang nagsasabi na bago mag-2016 ay magpapakasal na ang dalawa in time for elections.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending