2 patay matapos dumaan si Dodong sa Cagayan

Dodong

Dodong


PATAY ang tatay at ang kanyang anak matapos makuryente habang inaayos ang bubong ng kanilang bahay sa Aparri, Cagayan noong Linggo ng umaga habangnanalasa ang bagyong Dodong sa probinsiya.

Kinilala ang mga biktima na sina Rogelio Paa, 70 at anak na si Neil, 45.
Sinabi ni Aparri police chief Senior Inspector Mina Domingo na sinamantala ng mag-ama ang pagkakataon matapos mawalan ng kuryente ganap na alas-11:30 ng umaga para tignan ang linya ng kanilang kuryente na nakadikit na sa bubong ng kanilang bahay sa Barangay Mabanguc, sa paniniwalang ito ang dahilan ng pagkawala ng kuryente.

“They did not know that the line was cut open, so that when power came back, it brought electrical charge to the roof [and] electrocuted the victims,” sabi ni Domingo.

Read more...