PINURI ng Department of Education (DepEd) ang hosting na ginawa ng Davao del Norte sa 2015 Palarong Norte Pambansa na natapos na noong Sabado sa isang makulay na seremonya.
“Davao del Norte was very impressive from start to finish. In terms of facilities, billeting, organization, they did an excellent job in hosting this year’s Palarong Pambansa,” wika ni (DepEd) Assistant Secretary Tonisito Umali.
Halos 10,000 manlalaro, coaches at bisita mula sa 17 rehiyon ang namalagi sa Davao Del Norte sa loob ng isang linggo at lahat ng sumaling delegasyon ay nagkaroon ng gintong medalya para makitang tumaas din ang lebel ng mga atletang nagsisali.
Ang National Capital Region pa rin ang nakakuha ng overall championship sa 98 gold, 67 silver at 71 bronze medals bago sinundan ng Calabarzon sa 51-41-59 habang ang Western Visayas ay kumulekta ng 42-48-41 medal tally para sa ikatlong puwesto.
Ang host Davao ay mayroong 13 ginto bukod sa 22 pilak at 30 tansong medalya para higitan ang nakuha noong 2014 Palaro na 10 ginto.
Pinagningning pa ang pagtayo bilang punong-abala nang tatlong gymnast nila na sina Brian Albert Buhian, Janliver Estabaya at Louie Hillacorte ang halagang P50,000 cash na nakita sa billeting area ng Tagum City National Comprehensive High School noong Mayo 3.
Ilan sa mga atletang nagpakitang-gilas ay ang NCR tanker na si Maurice Sacho Ilustre na sa ikalawang sunod na Palaro ay nanalo sa lahat ng pitong events at anim dito ay pawang mga Palaro records.
Hindi rin nagpahuli si Misamis Occidental runner Jie Ann Calis na nanalo ng tatlong ginto sa 800m, 1,500m at 3,000m events gamit ang bagong marka kahit siya ay may taas lamang na 4-foot-10.
“I would like to thank everyone for your support, cooperation and understanding that helped us make this Palaro as best as we can,” wika ni Del Rosario. “It has been our pride and joy to have served you in this unique and cheerful celebration of athleticism, sportsmanship and friendship.”
Napuno pa rin ng tao ang Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa pagsasara ng kompetisyon noong Mayo 9 at nagpasaya sa lahat ang 15-minutong fireworks na hindi kailanman nasilayan sa closing ceremony sa mga naunang Palaro.
“It is our goal to make you happy. We can’t thank you enough for your priceless smiles and generous compliments. These are more than gold medals for us,” ani pa ni Del Rosario.