Sulat mula kay Sarah Jane ng Pasonanca,
Zambonga City
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay tapos ng pagka-guro pero hindi po ako nakapasa sa board exam kaya hindi po ako nakapagturo. Sa ngayon ay istambay lang ako kaya minabuti kong mag-aplay sa abroad kahit na D.H. lang.
Nag-aaplay po ako ngayon sa Dubai, itatanong ko lang po kung matutuloy kaya ako sa taong ito ng 2015 o sa susunod na taong 2016? Wala din akong boyfriend sa ngayon, kaya gusto ko ring malaman kung kailan po ba ako magkaka-boyfriend? May 10, 1989 po ang birthday ko.
Umaasa,
Sarah Jane ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung bigo kaman sa iyong propesyon bilang guro, sa pangingibang bansa, kahit na domestic helper lang, tiyak ang magaganap, magtutuloy ang magandang kapalaran, sa nasabing pag-aabroad, uunlad at papalarin ka sa aspetong paghahanap-buhay at pang materyal na bagay.
Cartomancy:
Five of Clubs, Six of Diamonds, at Seven of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo, mabilis ang magaganap, may isang mabiyaya at mabungang paglalakbay na itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….