Sheena Halili mapili sa lalaki kaya wala pa ring dyowa

sheena halili

Single pa rin ang Starstruck alumna na si Sheena Halili. Iginiit naman ng dalaga na happy and contented siya sa kanyang buhay kahit hindi siya committed. “I’m not committed.

Hindi rin po ako nagde-date ngayon basta I’m happy. I’m single,” pahayag ng Kapuso actress.Dagdag pa ng dalaga, sa tingin niya ang pakikipagrelasyon ay hindi basta-basta ginagawa lalo na at hindi na rin naman daw siya bumabata.

Sa katunayan nga ay pine-pressure na raw siya ng kanyang pamilya na mag-asawa.Natatawa pang kuwento nito, “Sabi pa nila, masyado raw akong mapili. Ewan ko ba.

Talagang nandoon ako sa paniniwala ko na kailangan mo talagang piliin ‘yan eh kasi lifetime partner mo ‘yan. Hindi basta-basta nakikipagrelasyon.”

Samantala, mapapanood si Sheena sa GMA Telebabad simula ngayong gabi sa The Rich Man’s Daughter.

Read more...