Nag-react na si Ruffa Gutierrez sa mga bagong patutsada laban sa kanya ng kanyang inang si Annabelle Rama. Sa huling mga tweet kasi ni Annabelle ay tinawag nitong plastik at pa-virgin ang nag-iisang anak na babae.
Sey ni Ruffa ayaw na niyang magpaapekto sa mga pinagsasasabi ng kanyang nanay laban sa kanya at sa boyfriend niyang si Jordan Mouyal.
“My mom hasn’t changed all these years. Sanay na ’ko. It has always been the same, since I was 15 years old,” ani Ruffa.
Huwag na rin daw asahan ni Annabelle na sasagot pa ang kanyang dyowa sa mga masasakit na salita nito laban sa kanila.
Kahit daw nasasaktan si Jordan, wala raw itong planong resbakan ang kanyang mommy. “Nirerespeto niya si Mommy bilang babae at bilang nanay,” sey ni Ruffa.
MOST READ
LATEST STORIES