Ang crush na ba ang magiging BF? (2)

Sulat mula kay Carmela ng San Antonio, Lubao, Pampanga
Problema:

1. May kapit bahay po ako na kasing edad ko rin na matagal ko na pong crush. Ang kaso napaka-mahiyain po ng lalaking ito at may pagka-torpe. Itatanong ko lang po kung may pag-asa pa kayang dumating ang pinapangarap ko na siya ang maging first boyfriend ko. Kasi po sa edad kong 19 hanggang ngayon hindi parin po ako nagkaka-boyfriend. Marami naman akong manliligaw ang kaso hindi ko naman sila type. Sa ngayon po tyaga-tyaga parin akong naghihintay sa lalaking crush ko at nagdarasal na sana dumating ang araw na mapansin nya rin ako.

2. Hindi ko naman siya magawang ligawan, lalabas na magiging cheap naman ako kung ako pa ang mauunang magparamdaman sa kanya. Sir Greenfield ano sa palagay nyo magiging BF ko po ang lalaking crush ko? October 7, 1995 ang birthday ko.

Umaasa,
Carmela ng Lubao, Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang binabanggit mong lalaki na crush mo ay isinilang sa zodiac sign na Virgo o laya’y Aquarius, tiyak ang magaganap darating at darating ang saktong panahong liligawan ka rin nya hanggang sa siya na nga ang first and last na magiging boyfriend mo.

Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing kung kikilos ka at magpaparamdam sa lalaking crush mo, kahit na sa text or sa Facebook lang, at nagkataong 2, 11, 20, o kaya’y 29, ang birth date ng lalaking crush mo, tiyak ang magaganap – sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo, isang wagas at nakakikilig na relasyon ang mabilis na mabubuo.

Graphology:
Wala namang problema sa iyong lagda, sa halip maganda at maaliwalas. Ibig sabihin malakas ang iyong loob at kapag naisipan mo ang isang bagay agad mong ginagawa. Kaya nga posibleng dumating ang panahong hindi naman direktang manligaw ka sa sinasabi mong lalaki, pa-simpleng papansin ka lang sa masinop at mahinhin na paraan, hanggang sa bandang huli ay mapapansin ka naman talaga niya.

Huling payo at paalala:
Carmela sa sandaling nanatili kang naghihintay sa panahon ngayong moderno na ang lahat ng bagay, posibleng magka-girlfriend ng ibang babae ang sinasabi mong lalaki at ang mangyayari – nganga ka! Kung kaya’t tulad ng nasabi na hindi masamang ikaw ang unang magparamdam, upang sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Mayo mangyari at matupad na ang iyong inaasamasam at pinakahihintay – magiging boyfriend mo na ang lalaking crush mo na nagtataglay ng initial J.Y.

Read more...