TORONTO, Canada — Inamin ni Pangulong Aquino na nakikipag-usap siya ngayon kay Senador Grace Poe kaugnay sa nalalapit na 2016 presidential elections.
Si Poe, na isang independent senator, ay pumapangalawa sa mga survey para sa pagkapangulo. Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia at Soocial Weather Station, ilang puntos na lamang ang natitira at magkakapantay na sila sa unang pwesto ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Aquino, nakipagpulong siya sa senador para pag-usapan ang posibilidad na pagtutuloy ng mga nasimulan ng kasalukuyang administrasyon. Hindi nman tinukoy ni Aquino kung hinihimok niya itong tumakbo sa pagkapangulo o sa pagiging bise presidente.
“The best to say it is we broached the idea of continuing the things that this administration has been trying to do. Now, in what capacity, that’s not yet finalized. And that can also include even campaigning,” ayon kay Aquino sa panayam sa mga mamamayag sa pagbisita niya sa Toronto, Canada.
Si Aquino ang lider ng Liberal Party. Una nang minamanok ng LP si Interior Secretary Mar Roxas para pambato sa pagkapangulo sa nalalapit na halalan.
“And I am not at liberty at this point in time to discuss all of the details of the same. But I have made commitments to her about when to announce it, what exactly to announce, et cetera,” dagda pa nito.
Sa mga naunang pahayag naman ni Poe, wala siyang balak na tumakbo sa pagkapangulo.