NANUHOL kaya ang pamilya Binay sa Court of Appeals upang maipalabas nito ang temporary restraining order (TRO) na nagpapawalang bisa sa suspension order ng Office of the Ombudsman kay Makati Mayor Junjun Binay?
Sabi ni Sen. Antonio Trillanes IV ay sinuhulan ang appellate court kaya’t nag-isyu ng TRO na pabor kay Mayor Binay.
Ipalalabas daw ni Trillanes ang kanyang exposé sa takdang panahon at sasabihin niya kung sino ang nakipag-usap para sa mga Binay.
Si Trillanes kasi ang nagpasimuno sa imbestigasyon ng Senado sa mga Binay sa pagpapatayo ng Makati City Hall Building II.
Malaki raw ang tong-pats sa pagpapagawa ng nasabing gusali.
Ang imbestigasyon ng Senado ay sinundan ng Office of the Ombudsman na nag-isyu ng anim na buwan na suspension kay Junjun Binay habang ang kaso laban sa kanya ay iniimbestigahan.
Ito namang si Trillanes ay nambibitin.
Bakit ipinapapaliban ng senador ang pagpapa-labas ng kanyang exposé?
Bakit hindi na ngayon na mainit ang isyu?
O, baka naman wala ka talagang mailabas dahil nagkakalap ka pa lang ng ebidensiya?
In that case, Mr. Senator, you’re just grandstanding.
Kung ibabase sa batas sa Republic Act 6770 o Ombudsman Charter, dapat hindi nakialam ang Court of Appeals sa pagsuspendi kay Junjun Binay.
Sabi ng isang provision sa Ombudsman Charter:
“No writ of injunction shall be issued by any court to delay an investigation being conducted by the Ombudsman under this Act, unless there is a prima facie evidence that the subject matter of the investigation is outside the Office of the Ombudsman.
“No court shall hear any appeal or application for remedy against the decision or findings of the Ombudsman, except the Supreme Court, on pure question of law.”
Ibig sabihin ay walang korte na pipigil sa Office of the Ombudsman sa pag-iimbestiga nito ng kaso.
Ang pagsuspinde kay Binay ay kasama sa proseso ng imbestigasyon.
Kaya’t ang TRO ng Court of Appeals ay walang bisa kung ang pagbabasehan ay ang Ombudsman Charter.
Kung hindi corrupt ang mga justices ng Court of Appeals na nag-isyu ng TRO (sinabi ng aking mga sources sa Court of Appeals na hindi corrupt ang mga nasabing justices), eh di sila ay bobo.
Kung hindi sila bobo, bakit hindi nila alam ang Ombudsman Charter?
Parang hindi marunong mamili ang Judicial and Bar Council sa pagpili ng mga rekomendado na maging court judge o justice ng Court of Appeals.
Ang JBC kasi ang nagi-screen ng mga taong no-minado para sa lower courts at sa mga matataas na korte gaya ng Court of Appeals.
Napakaraming bulok o bobo na huwes at mahistrado.
May ilang taon na rin ang nakararaan nang i-nayunan ng Court of Appeals ang desisyon ng Bulacan Regional Trial Court ang conviction ng isang quadriplegic sa salang rape.
Ang isang quadriplegic ay isang taong hindi nagagalaw ang dalawang kamay at dalawang paa mula sa isang matinding aksidente o mula sa kanyang pagsilang.
Kinampihan ko ang quadriplegic dahil imposibleng magawa niya ang paratang sa kanya dahil sa kanyang kalagayan.
Paano naman nakapanghalay ang isang para-litiko samantalang di nga niya maigalaw ang kanyang sarili kung walang tulong ng iba?
Sa kaso ng quadriplegic na kinampihan ko, kinakarga siya at sinusyut ang kanyang puwit sa
inodoro upang siya’y makaraos.
Pero hinatulan ang quadriplegic ng habambuhay na pagkabilanggo ng judge ng Bulacan Regional Trial Court.
Akala ko ay ibabasura ay ibabasura ng Court of Appeals ang desisyon ng lower court, pero ako’y nagkamali.
Akala ko ay mas intelihente ang mga justices sa appellate court kesa sa bobong judge sa Bulacan.
Pare-pareho pala silang bobo.