Ang crush na ba ang magiging BF?

Sulat mula kay Carmela  ng San Antonio, Lubao,  Pampanga

Dear Sir Greenfield,

May kapitbahay po ako na kasing edad ko rin na matagal ko na pong crush. Ang kaso napakamahiyain po ng lalaking ito at may pagkatorpe. Itatanong ko lang po kung may pag-asa pa kayang dumating ang pinapangarap ko na siya ang maging first boyfriend ko. Kasi po sa edad kong 19 hanggang ngayon hindi pa rin po ako nagkaka-boyfriend. Marami naman akong manliligaw ang kaso hindi ko naman sila type. Sa ngayon po tyaga-tyaga pa rin akong naghihintay sa lalaking crush ko at nagdarasal na sana dumating ang araw na mapansin nya rin ako. Hindi ko naman siya magawang li-gawan, lalabas na magiging cheap naman ako kung ako pa ang mauunang magparamdam sa kanya. Sir Greenfield ano sa palagay n’yo ang magi-ging BF ko po ang lalaking crush ko? October 7, 1995 ang birthday ko.
Umaasa,
Carmela ng Lubao,  Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Iisa lang naman ang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung susubukan mong magparamdam sa nasabing lalaki na medyo may pagti-ngin ka sa kanya, tiyak ang magaganap sa taon ding ito habang namumulaklak ang mga halaman, hindi imposibleng magiging boyfriend mo siya.

Cartomancy:

Two of Hearts, Eight of Clubs at Two of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nagparamdam ka sa kanya, kahit na sa text lang o sa Facebook account, tiyak ang magaganap, dahil lihim ka rin niyang crush kahit totorpe-torpe ang nasbaing lalaki, mapipilitan din siyang ikaw ay ligawan.

Itutuloy….

Read more...