MUKHANG walang epekto kay Annabelle Rama ang mga naging pahayag ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez na may kinalaman sa darating na Mother’s Day.
Ayon kasi sa TV host-actress, nami-miss na niya ang kanyang mommy at ang ginagawa nitong pag-aalaga sa kanya at sa kanyang dalawang anak. Pati raw ang sweet messages nito sa text ay hinahanap-hanap niya.
Balak din daw na padalhan ni Ruffa ang kanyang nanay ng bulaklak sa Mother’s Day ngayong darating na Linggo.
Sa isang interview naman, inamin ni Ruffa na naaapektuhan din ang kanyang boyfriend na si Jourdan Mouyal sa mga patutsada ng kanyang mommy pero ayaw na lang daw itong patulan ng lalaki.
Ngunit tila hindi lumambot ang puso ni Annabelle sa mga pinagsasasabi ng anak dahil muli itong nag-post ng maaanghang na mensahe sa kanyang Twitter account. Hindi man diretsong pinangalanan ng talent manager ang pinatutungkulan niya ng kanyang mga tweet, naniniwala ang kanyang followers na si Ruffa ang pinatatamaan niya.
Tinawag niyang plastik at pa-virgin ang taong tinutukoy niya sa kanyang mga post. Isinusumpa rin niya na hinding-hindi niya ito babatiin. Narito ang kabuuan ng mensahe ng ina ni Ruffa.
“Napaka plastic mo. Bakit ayaw mong ilabas ang totoo mong ugali! Pag nasa TV ka, akala mo virgin. Wag kang umasa na babatiin kita.
“You missed me? Bulls***t!!! Asikasuhin mo na lang yung alaga mong aso as in asungot, P.G.!”