LUIS natatakot daw sa relasyon nila ni JENNYLYN

Inamin ni Luis Manzano na may “takot” pa rin siyang nararamdaman sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado. Pero mas lamang pa rin daw ang kaligayahan niya.

“In every relationship there’s fear.

Kasi you’re scared na mamaya this is not it yet, mamaya you might end up hurting someone else or vice versa.

But you have to try to commit those fears or grow together,” ayon kay Luis.

Say ni Luis, napakalaking tulong ni Jennylyn para mas magpursige siya sa buhay, ang aktres pa rin daw ang kanyang greatest inspiration ngayon, “We’re very much okay.

We’re still smiling. Sabi ko nga lagi, I go to sleep and I wake up smiling because of her.”

Sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz, ano ang napi-feel niya para sa kanila ni Jen? “Nagkataon lang na oras nila.

Talaga namang oras nila. At the same time, pwedeng bukas magbalikan or magkaayos sila.

That’s part of a relationship—you get together, you break up, and sometimes you get back together.”

Read more...