DALAWAMPUNG kaso ng HIV ang naitatala kada araw ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon sa kagawaran, umabot sa kabuuang 23,709 kumpirmadong kaso ng HIV ang nairekord mula lamang noong nakaraang Pebrero.
Idinagdag ng DOH na 26 porsiyento sa mga kabuuang kaso ay may edad na 15 hanggang 24.
Kaugnay nito ay hinimok ng DOH ang publiko na samantalahin ang libreng HIV testing na kanilang alok.
Partikular na iniaalok ang libreng HIV testing sa mga lugar na kinukonsiderang high-risk areas, tulad ng National Capital Region (NCR), Cebu at Davao City.
MOST READ
LATEST STORIES