P16M nasayang sa pag-atras ni Marian sa ‘The Rich Man’s Daughter’

rhian ramos

MAGSISIMULA  na sa May 11 ang The Rich Man’s Daughter ng GMA7 sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Bukod sa bidang si Rhian Ramos at Luis Alandy, makakasama rin dito sina Mike Tan, Katrina Halili, Paolo Contis, Chynna Ortaleza, Pauleen Luna, TJ Trinidad, Al Tantay, Gloria Romero at marami pang iba.

May nakapagsabi sa amin na almost P16 million daw ang nasayang sa budget ng production para sa nasabing serye ng Kapuso network dahil na rin sa biglang pag-atras ni Marian Rivera na pinalitan nga ni Rhian Ramos.

Marami-rami na rin kasing natapos na eksena si Marian sa nasabing serye na kailangang ulitin ni Rhian.

Nag-back out si Marian sa tomboy serye dahil sa maselang pagbubuntis.

 

Read more...