Sulat mula kay Carla ng Catalunan, Grande, Davao City
Problema:
1. May boyfriend ako, isa siyang seaman. Magtu-two years na ang relasyon namin at sabi niya sa akin ay pagbaba niya daw ng barko ay gusto niyang magpakasal na kami. Ang ganda ng mga pangako niya para sa future namin—kapag kasal na raw kami ay mag-iipon siya ng maraming-maraming pera para makapagpagawa raw kami ng dream house niya na malapit sa beach.
2. Kaya naisipan ko pong sumangguni sa inyo, gusto kong malaman kung sakaling magpapakasal ako sa kanya, susuwertehin kaya ang itatayo naming pamilya? At sa nakikita n’yo sa aking palad at sa aming mga birthday, siya na kaya ang makakatuluyan ko? March 28, 1982 ang birthday ng boyfriend kong seaman at November 25, 1991 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Carla ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2) ang nagsasabing tunay ngang compatible kayo ng boyfriend mo na isang Aries ahil ang Aries at Sagittarius ay kapwa may iisang elemento— fire o apoy.
Numerology:
Ang birth date mong 25 na may ruling planet na Neptune/Moon ay sadyang compatible din sa birthdate ng boyfriend mo na 28 na may ruling planet naman na Uranus/Sun. Ibig sabihin, kapag nagkatuluyan kayo, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa itatayo ninyong tahanan.
Luscher Color Test:
Mapalad ang kulay na berde, red at yellow para sa araw ng inyong kasal. Ang nasabi ring mga kulay ang gamitin ninyo sa itatayo ninyong bahay kung sakaling magpapagawa na kayo ng bahay upang tuloy-tuloy na suwertehin ang inyong buhay.
Huling payo at paalala:
Carla, ayon sa iyong kapalaran, wala namang problema kung papayag ka nang magpakasal sa kasalukuyang boyfriend mo. Tulad nang nasabi na, sadyang tugma at compatible kayo sa isa’t-isa. Ibig sabihin, kung kayo na ang magkakatuluyan, makatitiyak ng isang masagana, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.