Horoscope, May 08, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Gawin ang lahat ng makakaya upang umunlad at yumaman! Sa pag-ibig, ipalasap sa kasuyo ang pinakamasarap na romansang hindi niya pa nararanasan sa buong buhay niya habang nagsu-swimming sa dalampasigan. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Blue at white ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Magwawagi ang katunggali kung pababayaan lang siya. Ahead of time, kumilos ka na upang magapi ang kalaban. Sa pag-ibig, gamitin ang lahat ng resources ng minamahal upang magtagumpay. Mapalad ang 3, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha.” Red at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang maiwasan ang karamdaman ngayong tag-araw, uminom ng maraming tubig, maligo araw-araw at kumain ng maraming prutas. Sa pag-ibig, magpamasahe sa minamahal hanggang mauwi ito sa masarap na romansahan. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at yellow ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Ang pagkaubos ng salapi ay pasimula lamang ng magandang pasok ng pera sa susunod na buwan. Matutong maghintay dahil “weather-weather lang yan.” Sa pag-ibig, nalulungkot ang kasuyo – ayain siyang mamasyal sa tabing dagat. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa pag-ibig, muling titibok ang puso habang nakikiumpok sa isang social activities. Sa pinansiyal, muling buksan ang dating kalakal na nagbigay ng limpak-limpak na salapi, kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 16, 23, 31, 40, at 49. “Aum-Bhanah-Bhanah-Om.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag kimkimin ang sama ng loob. Kapag itinago ang galit, bigla din ‘yang sasabog na makaaapekto sa iyong negosyo at career. Sa pag-ibig, dagdag na romansa ang dapat sa halip na magalit sa kasuyong makulit. Mapalad ang 7, 11, 13, 25, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guro-Devah-Om.” Orange at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Kailangang magkaroon ka ng sariling career. Sa pag-ibig, tuloy ang panlalamig ng kasuyo, kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mapag-init. Yayain siya sa isang pribadong lugar na malamig ang paligid. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Silver at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Mga ilang araw pa, kusa nang mapapa sa iyo ang malaking halaga ng salapi na noon mo pa hinihintay. Sa pag-ibig, dahil sa tinamong magandang kapalaran, i-blow-out ng masarap na halo-halo special ang kasuyo. Mapalad ang 6, 12, 27, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Amara-Ananda-Om.” Violet at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Mahirap mawalay sa pamilya subalit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganoon din naman siya sa iyo. Sa muli n’yong pagkikita ay may masarap na romansang matitikman. Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Om.” Pink at gold ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Panahon na upang dagdagan ang puhunan upang lalong lumaki ang kinikita. Sa pag-ibig, sa malayong pook ay may lihim na romansang naghihintay na hindi na mabubura sa iyong alaala magpakailanman. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla, Namah, Mitra.” Maroon at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Magkakapera ka kahit nasa bahay lang! Ang mahalaga, lagi kang magpaganda at laging naka-smile! Sa pag-ibig, wag pairalin ang init ng ulo upang wag na uling magtampo ang kasuyong balat-sibuyas. Mapalad ang 6, 18, 27, 35, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Yellow at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pananalapi, isang Aries ang makakatulong upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tuloy ang walang kabuhay-buhay na relasyon. Mapalad ang kulay na pula upang ang aspetong pang sexual ay sumigla. Buena sang 4, 16, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Bukod sa red ang orange ay buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayong tag-araw, maglinis ng buong kabahayan. At pagkatapos ng “Operation Linis,” buksan ang aircon at yayain ang kasuyo sa malamig na silid. Kapag laging aliwalas ang kapaligiran ay kusang gaganda ang kapalaran. Mapalad ang 7, 9, 19, 24, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Savitra-Om.” White at pink ang buenas.

Read more...