ANG pinakahihintay na ikalawang edisyon ng prestihiyosong 2015 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby ay gaganapin ng mas maaga sa taon ito.
Imbes na sa Hunyo ito gagawin ay sa Mayo 11-17 ito isasagawa sa Smart Araneta Coliseum – ang pangunahing sentro ng palakasan at kasiyahan sa bansa.
Umabot na sa 240 entries ang kumpirmadong lalahok na hihigit sa 185 entries na kasali noong isang taon na nagtapos sa apat na naka-iskor ng tig-pitong puntos at nagsalo sa korona.
Ang mga ito ay sina RJ Mea (RJMDMM Tiaong-BL), Agusan del Sur Governor Eddiebong Plaza (EP Naligayan June 10-12), Rene Adao (Lucky Chances BJRA), at James Wolf (Ises Chasms JM).
Ang tinaguriang “Olympiada ng Sabong” ay magkakaroon ng dalawang 2-cock eliminasyon sa Mayo 11 at 12. Susundan ito ng dalawang 2-cock semis sa Mayo 13 at 14.
Sumandaling titigil ang labanan sa Mayo 15 pero aarangkada ang 4-cock pre-finals sa Mayo 16 at ang 4-cock championship sa Mayo 17.Handog ng Pintakasi of Champions, ang 2015 WSC-2 ay magkakaroon ng tradisyonal na press conference at ang seremonyal na patukaan ng mga manok panabong sa Mayo 9.
Ang 2015 World Slasher Cup-2 ay gaganapin sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum, Petron at iba pa.
Sa unang sultada ng 2015 World Slasher Cup, nag-solo champion si Gerry Ramos.