ISANG lawsuit ang inihain laban kay Manny Pacquiao at kanyang mga handler matapos umanong hindi masiyahan sa panonood ng laban nila Floyd Mayweather, Jr. dahil sa hindi pagdedeklara ng injury sa kanyang balikat.
Inihain ang lawsuit sa isang federal court sa Las Vegas para sa dalawang plaintiff na sina Staphane Vanel at Kami Rahbaran.
Sinabi ng dalawa na nadaya sila matapos magbayad para mapanood ang laban.
Inihain ang kaso habang inihahanda ang posibleng disciplinary action laban kay Pacquiao.
Nauna nang sinabi ng Nevada Athletic Commission kung bakit “no” ang tsinekan ni Pacquiao nang sagutan nito ang state form bago ang laban, na nagtatanong kung may shoulder injury ito.
“Our job is to protect the health and safety of fighters and the integrity of the sport,” sinabi ni commission chairman Francisco Aguilar.
“We expect our fighters to be forthright,” idinagdag nito.
Inaasahan naman na isasailalim si Pacquiao sa operasyon ngayong linggo.
Samantala, sinabi ni Mayweather sa isang text message kay Stephen A. Smith, ng ESPN na bukas umano siya sa rematch kay Pacquiao.
“I will fight him in a year after his surgery,” ayon sa text message. (Myca Fernandez)
Pacquiao kinasuhan matapos umanong ilihim ang shoulder injury
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...