Hindi nagpaparamdam na BF

MANANG, gusto po akong ligawan ng barkada ng boyfriend ko. Matagal nang di nagparamdam ang BF ko, pero ‘yung barkada niya ay araw-araw pong nag-text at gabi-gabing tumatawag sa akin. Hindi pa po kami officially break ng BF ko pero napamahal na po sa akin ang barkada niya. Ano po dapat kong gawin?

Shai,
North Cotabato

Magandang araw, Shai at sa lahat ng mambabasa ng Bandera diyan sa North Cotabato.

Salamat sa pagsulat. Break it off muna with your boyfriend before i-entertain mo ‘yung barkada niya.

Sabi mo nga ay hindi official ang break-up n’yo so make it official then. At least, you start clean ‘di ba? Pabor ‘yun sa inyong tatlo—sa BF mo na ‘di nagpaparamdam, sa barkada niyang napamahal sa iyo at siyempre sa sarili mo.

Send your BF a message or letter telling him na you need to move forward with your life kung hindi mo siya makakausap nang personal.

In entertaining the new guy naman, make sure na haharap siya sa iyo at may malinis na intens-yon. Sana huwag puro text lang ang panliligaw niya at sa text mo rin sasagutin.

Alam kong digital age na. Call me old-fashioned, pero iba ang nililigawan at idine-date nang personal— mas nakakakilig, mas tapat at mas sweet. Ayaw mo ba noon?
Ang payo ng tropa

Magandang araw sa iyo, Shai. Alam mo, tapatin mo na yung BF mo. Unang-una, dapat ay matagal mo nang ginawa iyan. Ang lalaking walang panahon sa iyo ay nangangahulugan na wala siyang pagpapahalaga sa iyo. Hindi dapat iyan pinag-aaksayahan ng panahon. Umalis na sa ganyang relasyon.

Linawin ko lang, makipag-break ka muna bago pumasok sa bagong relasyon.
Rina ng Valenzuela

Hi Shai,
Magandang araw sa iyo. Neng, hagilapin mo kung nasaan ang BF mo at wag kang titigil sa paghahahanap para makapag-usap kayo nang maayos sa kung ano na ang status ng inyong relasyon.

Aba’y sa tagal na di nagpaparamdam sa iyo ang BF mo ay malamang marami na ang nagbago sa relasyon n’yo at baka nga meron na rin siyang bagong dyowa.

The best talaga ay mag-usap kayo para masabi mo na rin ang gusto mo sabihin sa kanya.

Neng, bago ka kiligin diyan sa pakikipag-text at tawagan n’yo ng barkada ng BF mo, makipag break ka nga muna sa BF mo ha.

Magpaligaw ka rin nang maayos, maganda ‘yung sa mismong tirahan ka niya pupuntahan para makilala ng mga magulang at kapatid mo.

Mahirap din kasi kung puro sa text at tawag lang kayo nag-uusap.

Mas may excitement pag personal kayong nagkaka-chikahan, right? mas kikiligin at magiging makulay ang kapaligiran mo.
— Ate Jenny

vvv
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...